Description
Headkerchief o bike scarf, o face mask, ano man ang tawag mo, isa din ito sa maganda na meron ka kung magba-bike ka.
May nagsasabi sa akin na, panget daw ang gumamit ng ganito kasi hindi ka daw makakahinga.
Pero bakit sa akin ay ayos lang naman, nakakahinga pa din naman.
Mas importante sa akin ang nagagawa nito, kasi dahil dito:
- Hindi mo nalalanghap lahat ng usok at alikabok na binabato sayo ng mga sasakyan sa kalsada
- Hindi din masusunog masyado ang mukha mo sa pagka-expose nito sa araw
Sa benefits ng pag gamit nito, isa to sa hindi pwedeng hindi ko dala kapag may ride kami.
Kung ayaw mo masinghot bawat usok ng mga tambutso ng sasakyan o mga alikabok sa daan, gumamit ka nito.
Kung ayaw mo umitim ng sobra sa pagba-bike, gumamit ka nito. Ako kasi, ayaw ko na maging masyadong sunog ang kulay dahil sa pagba-bike, magmumukha ka kasing batak pag ganun.
Pwede din ito gamitin na bandana, o panlagay sa ulo para dagdag pansipsip din ng pawis sa ulo.
Quick-drying ang tela kaya hindi naiipon ang pawis. Madaling matuyo.
Breathable din ang fabric kaya nakakahinga pa din naman kahit nakatakip ito sa mukha mo.
Bukod sa dagdag na porma, pakita mo na certified kapadyak ka.
Bili na kayo nito mga kapadyak, ang pondo na kikitain para dito ay dagdag sa budget ko para makapunta ako sa Taiwan next year.
I-sale ko din ito ngayong December, para madami ang maka-afford.
Salamat mga kapadyak!
Gawa ito ng Bike Statement PH kaya sigurado tayo sa quality.
Reviews
There are no reviews yet.