Description
Bili na kayo ng chainstay protector mga kapadyak.
Nilalagay to sa may chainstay ng frame para hindi pumalo palo ang kadena lalo na sa MTB pag nasa offroads or trails ang dinadaanan.
Pag humahataw kasi ang chain dyan sa part na yan ng bike, bukod sa maingay dahil sa chain slap, may tendency din na masira ang pintura ng frame dahil doon.
Itong chainstay protector ang solusyon dyan, masasabi ko na must-have ito kung naka MTB ka.
Customized UnliAhon chainstay protector ito. Mas mahaba kesa sa ordinary. Mas maganda din ang material na ginamit, mas makapal.
May added din na layer ng reused old inner tubes na nakakatulong mag absorb ng shock ng pagtama ng kadena sa chain stay. Mas tahimik na, nakatulong pa tayo sa environment.
Madali lang to ikabit sa bike. Madali din tanggalin, pero dahil mahaba ang portion nya na naka velcro, hindi din naman basta-basta matatanggal.
Simple lang pero dagdag pamporma sa bike, at syempre may pakinabang pa din naman.
Show your support na certified kapadyak ka, pag may ganito na nakalagay sa bike mo.
Bili na kayo nito mga kapadyak, ang pondo na kikitain para dito ay dagdag sa budget ko para makapunta ako sa Taiwan next year.
I-sale ko din ito ngayong December, para madami ang maka-afford.
Salamat mga kapadyak!
Gawa ito ng Bike Statement PH kaya sigurado tayo sa quality.
Bench marquez –
Pano bumili ng chain guard