UnliAhon Premium Drawstring Bag

400

Out of stock

Category: Tag:

Description

Drawstring bag mga kapadyak, para may lagayan tayo ng gamit kapag pumapadyak.

Ganitong klase ng bag lang ang trip ko gamitin kapag pumapadyak, kasi hindi sobrang lapat sa likod na nakakapagpapawis sa likod, kesa kung naka backpack ka.

Parang drawstring bag lang ang style pero hindi string ang gamit kundi strap talaga na pang bag.

Madaming nalalagay na laman, pero magaan pa din dalhin.

Hindi waterproof, pero water resistant. Pag naulanan, hindi basta basta mababasa ang mga nakalagay sa loob.

Makapal din ang material na ginamit, hindi basta basta mapupunit.

Reflective din ito kaya dagdag safety kung pumapadyak pag gabi o madaling araw.

Kapag may sasakyan na manggagaling sa likod mo, madali ka mapapansin dahil sa reflector.

Madaming kasya ilagay sa loob.

Kahit mabigat ang nakalagay, hindi basta basta bibigay ang straps.

Bili na kayo nito mga kapadyak, ang pondo na kikitain para dito ay dagdag sa budget ko para makapunta ako sa Taiwan next year.

I-sale ko din ito ngayong December, para madami ang maka-afford.

Salamat mga kapadyak!

Gawa ito ng Bike Statement PH kaya sigurado tayo sa quality.

Reviews

There are no reviews yet.

Be the first to review “UnliAhon Premium Drawstring Bag”

Your email address will not be published. Required fields are marked *