UnliAhon Reflective Mussette Bag

280

Out of stock

Category: Tags: ,

Description

Bili na kayo ng mussette o feed bag.

Sa cycling, ito yung sikat na lagayan ng food supply ng mga kumakarera.

Pero kahit hindi naman kumakarera ay pwede pa din naman natin to magamit.

Kung konti lang naman ang kailangan mo na dalahin sa rides, ay pwedeng pwede na to. Pero kung madami, mas swak gamitin yung Premium Drawstring Bag.

Maganda din ang materials, makapal, at medyo water resistant.

Pa-sling bag ang style nito.

Reflective din kaya dagdag safety para sa atin sa gabi dahil mas kita tayo ng mga motorista.

May seal na madali buksan para sa easy access ng daladala, halimbawa mga pagkain.

Madali din isara para syempre, hindi basta basta mahuhulog yung mga nakalagay.

Meron pa na dalawang compartments sa loob.

Adjustable din ang haba ng straps para sa saktuhan lang na pagsuot habang nakasakay sa bike.

Bili na kayo nito mga kapadyak, ang pondo na kikitain para dito ay dagdag sa budget ko para makapunta ako sa Taiwan next year.

I-sale ko din ito ngayong December, para madami ang maka-afford.

Salamat mga kapadyak!

Gawa ito ng Bike Statement PH kaya sigurado tayo sa quality.

Reviews

There are no reviews yet.

Be the first to review “UnliAhon Reflective Mussette Bag”

Your email address will not be published. Required fields are marked *